John
Rey M. Oclarit
BSA
– 1A
Hulyo
5, 2013
Kamangha-manghang Isla ng Camiguin
Malikha ang Diyos kung kaya’t bumuo siya ng mga
kaakit-akit na lugar. Isang maituturing na paraiso at masisidhing tanawin ay
narito na, Luzon, Visayas at Mindanao! Tuklasin ang tunay na atin, Perlas ng
Silanganan kung tawagin.
Tampok ang Camiguin Island sa
listahan ng Turismo dahil sa malapalasyo nitong lugar. Noong dalawang nakaraang
taon, 2011, ika-12 ito sa puwesto ng Best Tourista Spots in the Philippines.
Naitanghal at napatunayang mayaman nga ang islang ito sa iba’t – ibang klaseng
aspeto.
Ang Camiguin Island ay isang maliit
na pulong lalawigan sa Pilipinas sa rehiyon ng Hilagang Mindanao. Mambajao ang
capital nito at tinagurian itong pangalawang pinakamaliit na lalawigan pareho
sa populasyon at sakop. Nasa Dagat Bohol ang pulo ng Camiguin na mga 10
kilometro sa hilaga ng Misamis Oriental. Karatig lugar din nito ang Cebu.
Tampok din sa Islang ito ang
pinagmamalaki nilang Lanzones Festival. Masaya nilang ipinagdiriwang ang
panahong ito sapagkat naging bahagi na ng kultura ito. Hindi niyo ba alam ang
iba’t – ibang ‘Tourist Spots’ nito? – Halika’t halungkatin natin ang
kabigha-bighaning turismo ng Camiguin.
Sa lugar na ito nagsimula ang
kasaysayan ng Sunken Cemetery kung saan nakahimlay ito sa pagitan ng Dagat.
Makikita ito ng husto sa tuktok ng ‘Walkway’, isa ring tourist spot na mataas
kung lakbayin at dito makikita ang “Station and Resurrection of Jesus Christ”.
Dito rin matutuklasan ang daan patungong “Bulkang Hibok-Hibok”.
Sa kabilang dako naman, mas tanyag
at kaaya-aya kung titingnan ang buong Isla sa “White Island”. Isa ito sa mga
tourist spot ng Camiguin. Dito makikita ang kabuuang pulo ng Camiguin.
Mapapamangha ka talaga sa lupit ng tanawin. May puting buhangin at mala asul na
kulay ang tubig-dagat. Masasabi namang “Jidcup” ang Best Dive Site.
“Katibawasan Falls”, ito ay isang
anyo ng tubig na napapalibutan ng orchids, wild ferns at matatayog na puno. May
70 metro ito mula sa itaas patungong rock pool paibaba. Malamig ang tubig
dito.” Bura Soda water swmming pool”, ito lamang ang nag-iisang swimming pool
sa Pilipinas na soda water ang gamit sa pagligo at maaari ring inumin. “Ardent
Hot Spring”, ito naman ang puso ng Isla ng Camiguin. may 40 degree Celsius ang
temperatura ng tubig nito at maraming taong dumadalo ditto lalo na taga ibang
bansa. Kung may mainit, meron naming “Sto. Nino Cold Spring”, matatagpuan ito
sa Catarman, Camiguin na may 4 kilometro ang layo mula sa sentro. Malamig ang
tubig at tinitirhan ito ng mga maliliit na isda sa ilalim. Mala yelong
temperatura ang tubig nito.
At ang panghuli sa lahat ay ang
Highland Resort, Camiguin. Nagtataglay ito ng mabuting akomodasyon at
pagserbisyo sa mga turistang dumadalo. Mayroong Lounge Poolside at Sightseeing
sa pamamalagi sa Resort.
Hindi maikakailang karapat – dapat
na bigyang pansin ng Pilipinas ang turismong hatid ng Camiguin Island at
kaakit-akit nitong taglay. Mabuhay Camiguin!
No comments:
Post a Comment